
KWENTO NG PAG-IBIG
“Sa Silong ng Paaralan"
Sa isang kilalang paaralan sa bayan ng pitong lawa taong 2015, nag-krus ang landas nina Harold at Marie Fe. Sila'y nagmula sa magkaibang kurso at magkasalungat ang hilig at paniniwala, ngunit ang kanilang pag-iibigan ay nagbukas ng pintuan sa isang magandang kwento.
Si Marie Fe, na isang working student sa panahon na iyon ay walang ibang hinangad kundi ang mag-aral at makatapos upang makamit niya ang kaniyang inaasam sa buhay at pangarap kasama ang kaniyang pamilya, ni hindi naisip ng dalaga ang pag-ibig dahil sa ninanais nitong makapokus sa kaniyang layon. Si Harold naman, ay isang simpleng mag-aaral na nangangarap maging isang inhinyero sa hinaharap. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ng minsang nagpadala ng mensahe si Harold kay Fe na kung saan ay binigyan ito ng pansin ng dalaga mula dito ay naging madalas na ang pag-uusap ng dalawa. Madalas man silang nagkakausap ay hindi ganoong kabilis na magtagpo ang kanilang landas sa paaralan. Hindi sila agad naging malapit, ngunit unti-unti, nahanap nila ang kanilang sarili sa isa't isa.
Lingid sa kaalaman ni Marie Fe ay madalas na siyang tinititigan ni Harold na palihim ding siyang pinagmamasdan nito at batay sa kaniyang kuwento madalas ay inaabot ng daga ang kaniyang dibdib kung kaya’t hindi nito malapitan ang dalaga. Ngunit iba ang sadyang iginuhit ng Diyos para sa dalawa. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na ang isang simpleng Hi at Hello ay nauwi sa matamis na pag-iibigan kung saan ang pagsumpa ng dalawang puso ay nagsimula noong July 5, 2015 na naging saksi ang isang fast food chain na madalas na naging lugar nang kanlungan sa magkasintahan.
Sa paglipas ng mga buwan, naging malapit ang dalawa ng lubos. Nagiging takbuhan nila ang isa't isa, at natutuhan nilang magsanib-puwersa sa kanilang mga pangarap at adhikain sa buhay. Sa kabila ng mga pagsubok at pagod ng araw-araw na buhay-estudyante, mas lalong napagtibay ang kanilang pag-iibigan buhat sa mga karanasang sumubok sa kanila. Paglipas ng panahon, nagpatuloy ang kanilang pagmamahalan kasabay ang pag-unlad ng kanilang sariling landasin. Ang init ng unang pagtingin at pag-ibig na namumutawi mula sa mga mata ng isa't isa ay nanatili hangang sa walang hanggan.
Buwan ng Pebrero taong 2021, araw ng mga puso ng nagtapat ng hangarin ang binata na hingin ang kamay ng dalaga upang maging katuwang Habang Buhay at ito ay naisakatuparan sa tulong ng pamilya ng bawat isa. Ang isang dalangin na siyang hinihingi ng binata sa Diyos upang maging kaniyang katuwang ay natagpuan niya sa katauhan ni Fe. Buhat sa araw na iyon ay nagsikap ang dalawa upang mapaghandaan ng lubos ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Ang lungsod ng tagaygay ay may malaking bahagi sa puso ng dalawa kaya’t dito nila pinili na maging tagpo upang iharap sa Diyos ang kanilang pagmamahalang itinatangi sa isa’t isa. Kung saan ang lugar na ito ay naging saksi sa unang nilang pagtingin sa bawat isa. Sa paglapit ng mga pangarap na nagiging mas malalim, nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa isang bagong yugto sa kanilang buhay. Tunay nga na ang pag-ibig ay walang haggan mula sa simpleng Hi gamit ang makabagong kagamitan nabuo ang isang kuwento ng pagmamahalan at sa nalalapit na pag-iisang-dibdib, hindi lang sila magiging matalik na magkaibigan na nagKAIBIGAN, kundi magiging kasama sa pagtahak sa makulay na hinaharap ng kanilang pag-ibig.

SA WAKAS
PAANYAYA













